Panibagong taon!

Sumapit nanaman ang bagong taon, dumaan, lumipas, kumupas at natapos ang dating panahon….. parang kay bilis ang mga nangyari, nakaraan ng ating buhay ay parang kahapon lang na dimo akalain na bigla nalang lilipas at makakalimutan.

Ano nga ba ang Bagong Taon? ito ba ay bagong buhay, bagong style, new looks at new trends ng pananamit? o ang bagong taon na nangangahulugan na ang buhay ng tao ay parang taon din na lumilipas, nakakalimutan at napapalitan?

Akoy napapa-isip kong bakit may bagong taon at sinasabing bagong buhay? na kung aking maaalala nung mga nagdaang panahon ay ganun parin walang pinagbago este maslumala pa pala ang mga criminalidad at coruption. At ngayon ano naman kaya ang madadag-dag? Tao!Tao po? sana meron din kahit man lang konting katibayan na ang bagong taon e ang time para magbago, hindi lang sana siya salita at kagawian na ating ginagawa.

Napakahirap magsalita, ang pagbabago kasi ang pinakamahirap gawin, inaamin ko yun dahil isa ako sa nahihirapang magbago. pero sabi nga ng lolo ko "Madali ang magbago basta sa kagustuhan mo". " walang mahirap na ibinigay ang diyos na hindi kaya ng tao." kaya GISING! GISING! AKO! Gising!

Sa mga kaibigan ko, Minamahal ko at mga kakilala ko diyan!

Sana Suportahan niyo ko sa pagbabago na gusto kong gawin ngayong bagong taon, at sana magpatuloy na ito magpakailanman (MEL CHANGCO PO).

* I’m trying to stop my smoking habit.

" I’m willing to draw close to GODLY works.

* I’m Trying to become one of the most obedient daughter to my parents.

* and to continue the honest works and words.

SALAMAT PO SA SUPORTA AT PAGMAMAHAL!

Leave a Reply